Because of the recent endeavors of modernization, the essence and color of the Filipino Language is slowly fading. Young people of the modern age are slowly turning and adapting traditions of the western countries. Because of that, we’ll do a little detour to contribute in the revival of the vivid color of the Filipino language.
-
Tanikala.
- [noun|pangngalan] Refers to a row of links joined together; link of a chain; a handcuff. | tali, kadena, posas
Halimbawa.
- Nagpupumilit pang pumiglas ang suspek matapos nitong malagyan ng tanikala ng pulis.
- Napansin kong tila nasasakal ang alagang aso ng ating kapitbahay sa higpit ng pagkakatali ng tanikala nito.
- Marahil magiging isang magandang solusyon sa patuloy na pagnakaw ng inyong mga gamit ay kung inyong lalagyan ng tanikala ang inyong pinto.

2. Timbulog.
- [noun|pangngalan] sphere | bilugan, bilog
Halimbawa.
- Magiging maganda ang klase ng bola kung perpekto ito bilang isang timbulog.
- Isang dambuhalang timbulog ng kalangitan ang buwan.

3. Kandili.
- [verb|pandiwa] to care for someone less fortunate | pagbibigay ng tulong sa hindi pinapalad
Halimbawa.
- Isang napakadakila at makataong akto ang pagkandili sa kapwa.
- Nais kong pasalamatan ang aking mga kaibigan at nakikilalang mapangunawa’t mapangkandili.

4. Abanderado
- [noun|pangngalan] flag-bearer | mga taong nagsisilbing taga-pangalaga ng bandila
Halimbawa.
- Nalaman kong nagsisimula na ang seremonya nang makita ko ang mga abanderadong umaakyat sa entablado.
- Aking pangarap ay ang maging abanderado ng ating paaralan, abanderadong makisig tignan at kahahangaan ng lahat.

5. Marilag
- [adjective|pang-uri] beautiful, royal | maganda, dakila, maharlika
Halimbawa.
- Palagi kong tinititigan ang talang pinakamarilag ang sinag sa norte.
- Ako’y nabighani ng ako’y tinitigan ng pinakamarilag na nilalang na aking nakita sa kalupaan.

6. Adya
- [noun|pangngalan] protection, salvation and help | pagtulong, kaligtasan at proteksyon
Halimbawa.
- Ako’y laging handang magpaubaya ng adya basta’t hahayaan mo akong tulungan ka.
- Ika’y dapat na palaging nakikinig sa anunsiyo ng gobyerno upang ikaw ay maadya sa panahon ng sakuna.

7. Talaksan
- [noun|pangngalan] file | dokumento
Halimbawa.
- Nilalaman ng kwadernong ito ang buong talaksan at grado ng ating klase.

8. Patiyad
- [verb|pandiwa] standing/walking on tiptoe | pag-tingkayad
Halimbawa.
- Ako’y naguguluhan kung bakit lagi nalang naglalakad ang ating kapitbahay ng patiyad.

9. Surutin
- [verb|pandiwa] to pinpoint a person | ituro gamit ang daliri
Halimbawa.
- Ako ay tila nagulantang nang bigla akong surutin ng aming guro.
- Isang masamang gawain ang bigla-biglang mansurot ng kapwa.
10. Limpit
- [noun|pangngalan]. a very large jar with a wide mouth. | isang malaking uri ng banga
Halimbawa.
- Itinuturing ni Aling Nena na isang antique ang limpit na ipinamana sa kanya ng kanyang tatay.
- Ako’y kinabahan nang muntik ko nang mabasag ang limpit ng aking lola.




